Natapos na ang pagtatayo ng 4,000 silid-aralan sa Central Visayas na nasira matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Ayon kay Dr. Salustiano Jimenez, Director ng Department of Education (DEPED) sa Central Visayas, 10,000 silid-aralan na lang natitirang itatayo sa lalawigan.
Nagpasalamat naman si Jimenez kay Vice President Sara Duterte, sa local governments at non-government organizations dahil sa pagtulong ng mga ito sa kanilang rehiyon.
Noong Disyembre 16 sinalanta ng bagyong Odette ang Visayas na nag-iwan ng 10 bilyong pisong pinsala sa mga paaralan.
Nag-iwan din ang bagyo ng mahigit 90 kataong nasawi at mahigit isang bilyong pinsala sa imprastruktura sa Cebu.