Napasakamay na ng Lanao Del Sur Provincial Government ang 40 bed capacity na bagong healthcare facility sa Marawi City.
Ito’y ayon kay Public Works and Highways Secretary at Isolation Czar Mark Villar ay sa kabila ng pagbaba ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa kalihim, magsisilbing quarantine quarters para sa COVID-19 cases ang Sagongsongan Multi-Purpose Bldg. sa Brgy. Sagongsongan relocation site.
Dagdag pa ni Villar, kayang makapag-accommodate ng nasabing pasilidad ng mga magpopositibo sa COVID-19 mula asymptomatic hanggang sa may mild cases nito.
Sa kasalukuyan, mayruon nang limandaan at siyam na mga pasilidad ang nakumpleto na ng pamahalaan kung saan, mayruon itong 19,083 bed capacity.