Pinag-iingat ng isang mambabatas ang pamahalaan hinggil sa pagtatayo ng biological laboratories sa bansa.
Bunsod na rin ito ng mga ulat mula sa Amerika at ibang bansa na kailangan munang magkaroon ng kasunduan sa pagtatayo ng mga scientific research facility at laboratories dahil sa banta nito sa kalusugan.
Ayon kay House Asst/Majority Floor Leader at Rizal Rep. Juan Fidel Nograles, posibleng magdulot ng peligro sa bansa ang mga itatayong biolab dahil dito, sinasabing sinusuri at pinag-aaralan ang iba’t-ibang uri ng coronavirus.
Bagama’t hindi naman genetically endangered ang COVID-19 o SARSCOV2, nadiskubre sa isang biolab sa Wuhan, China ang isang bat coronavirus na malapit sa COVID-19.
Dahil dito, sinabi ni Nograles na kailangang i-regulate ng pamahalaan ang pagtatayo ng biolabs upang matiyak na hindi nito makokompromiso ang kalusugan at kaligtasan ng publiko laban sa mga bagong sakit.