Isasapinal na ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng San Miguel Holdings Corporation (SMHC) para sa proposed Bulacan Airport project.
Nakasaad sa agreement ang terms para sa konstruksyon ng Bulacan International Airport na nagkakahalaga ng P735-million na tinatalakay na ng mga opisyal ng SMHC at Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa SMHC, natapos na nila ang risk allocation matrix at ang pagbusisi sa komento ng National Economic and Development Authority (NEDA) kaugnay sa nasabing proyekto.
Tiniyak naman ng DOTr na sakaling mabuo na nila ang draft para sa concession agreement, agad nila itong isusumite sa NEDA – Investement Coordination Committee (NEDA-ICC) upang masimulan na ang proseso ng Swiss challenge.
Pahayag ng DOTr, sa pamamagitan ng prosesong ito, makasisiguro ang publiko na mas maayos na bidder ang makukuha ng gobyerno para masimulan na sa lalong madaling panahin ang naturang proyekto.