Nanawagan si House Committee on Metro Manila Development Vice Chair Precious Hipolito-Castelo, na magtayo ng contact tracing centers ang pamahalaan sa mga lugar na may mataas na bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa inihaing House bill 7538 ni Castelo, layon nitong tukuyin ng Department of Health ang mga lugar na itinuturing na ‘high risk’ sa virus para mapatayuan ito ng contact tracing centers.
Maaari namang irekomenda ng mga local chief executives kung anu-anu sa mga nasasakupan nila ang maituturing na high risk sa COVID-19.
Pagdidiin ni Castelo, layon ng panukala na magkaruon ng epektibo at sistematikong tracing at monitoring ng mga inbidwal na dinapuan ng virus.
Oras na maging batas ito, magpapalabas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ang DOH, habang pamumunuan naman ng isang doktor ang itatayong contact tracing center.