Aprubado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magtatayo ng apat na branch ng Citystate Savings Bank o CSBank.
Ang CSBank ay pag-aari ng mga tagapagmana ng yumaong bilyonaryo na si Antonio Cabangon-Chua at planong magtayo ng branch sa Naga City, Camarines Sur; Baguio City; Cabanatuan, Nueva Ecija; at San Fernando City, Pampanga.
Ayon kay CSBank Branch Network Chief Joel C. Garcia, layunin nito na palawigin ang business loans at konsyumer upang pasiglahin ang paglago ng mga lokal na ekonomiya.
Inaasahan anya na mapalawak ang merkado ng CSBank na nakatuon sa mga small at medium enterprises at mid-market depositors.
Kabilang naman sa mga credit solutions ng CSBank ang Automatic Payroll Deduction System (APDS) teacher’s loans, smallbiz loans, home loans, auto loans at eurocycle loans. – sa panulat ni Jenn Patrolla