Kinontra ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang pagtatayo ng dagdag na Coal Power Plants sa lalawigan ng Bataan.
Sa kaniyang pastoral letter, hinimok ni Santos ang gobyerno na itigil na ang pagbibigay ng permiso sa konstruksyon ng Coal Power Plants sa Bataan dahil sa matinding polusyong idudulot nito.
Binigyang diin ni Santos na may apat (4) ng power plants sa Bataan at sapat na aniya itong kontribusyon ng kanilang lalawigan na bagamat nakakatulong sa economic development ng probinsya, nakakasira rin ang mga ito sa kapaligiran.
Tinukoy ni Santos ang Refinery Solid Fuel Power Plant, San Miguel Global Power, Panasia Power Plant at GN Power Plant na pawang nag o-operate sa Bataan.
By Judith Estrada – Larino