Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng dolomite beach sa bahagi ng Manila bay.
Sa kanyang Talk to the Nation kagabi, sinabi ng Pangulo na ang nasabing milyon-milyong pisong halagang proyekto ay kaaya-aya sa paningin.
Dolomite is beautiful to the eyes, period. ‘Wag ka na magtanong kasi hindi naman niyo kaya, kung kayo,″ pahayag ng Pangulong Duterte.
Dagdag pa ng Pangulo na na tanging si Environment and N atural Resources Secretary Roy Cimatu lang ang umaksyon sa problema ng Manila bay.
You have your chance actually, for so many years, you have every chance to do it, was there anybody willing to take the problem by its own. Si Cimatu lang you have the chance actually, for so many years,″ pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon naman kay Secretary Roy Cimatu, nakatutulong ang dolomite sand para maiwasan ang coastal erosion, masala ang tubig at madagdagan ang laki ng baybayin.