Isinusulong sa Senado ang pagtatayo ng isang Emergency Medical Service System o EMSS.
Sinasabing layon ng Senate Bill No. 1973 o Emergency Medical Services System Act na lumikha ng pambansang pamantayan o national standard para sa emergency medical services at protocols sa panahon ng kalamidad o sakuna.
Ayon kay Sen. JV Ejercito, may-akda ng panukala, lumitaw sa 2022 World Risk Reports na kasama ang Pilipinas, India at Indonesia sa ‘highest overall disaster risk’.
Binanggit din na kabilang ang bansa sa 193 countries sa buong mundo na lantad sa mapaminsalang natural na kalamidad tulad ng lindol, tsunami, baha at tagtuyot.