Iminungkahi ng isang mambabatas ang pagtatayo ng mga foldable house sa Philippine General Hospital (PGH) para madagdagan ang pasilidad matapos ang nangyaring sunog.
Ayon kay Barangay Healthworkers Rep. Angelica Co, posibleng abutin pa ng apat na buwan para maisaayos ang pasilidad na naapektuhan ng nangyaring sunog sa PGH.
Sinabi ni Co na nagkakahalaga ang mga foldable houses na ito ng 150K hanggang P200K kada unit.
Aniya madali lamang itong i-assemble at sa oras na maisaayos na ang pasilidad ng PGH, madali lamang din ligpitin ang mga unit na ito at maaari pang magamit sa ibang health facility na kulang sa pasilidad.