Inihirit ng Russia ang pagtatayo ng isang joint weapons production facility sa Pilipinas.
Ito, ayon kay Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev ay upang hindi maapektuhan ang ugnayan ng Pilipinas sa traditional allies nito sa pangunguna ng Estados Unidos.
Ang nasabing pasilidad aniya ang mangunguna sa produksyon ng mga Russian assault rifle kabilang ang mga Kalashnikov.
Ipinunto pa ni Khovaev na panahon na para pausbungin at palawakin ang defense industry ng Pilipinas at iba pang uri ng kooperasyon sa iba pang bansa nang hindi naaapektuhan ang bilateral agreement sa mga traditional ally nito.
Sa kabila nito, wala pang tugon ang gobyerno ng Pilipinas sa panukala ng embahador.
—-