Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang planong pagtatayo ng kadiwa stores sa mga piling pamilihan sa Metro Manila.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Consular Affairs, Spokesperson Kristine Evangelista, gumagawa na sila ng hakbang para mas mailapit sa publiko ang mura at abot-kayang halaga ng mga produkto partikular na ng sibuyas, bawang, asukal, karne at iba pang mga gulay.
Sinabi ni Evangelista, na nakahanap na sila ng kooperatiba na handang mag-supply sa mga palengke na makatutulong upang mas mahikayat ang mga vendor na lumipat ng supplier.
Layunin nitong mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin at maging sapat ang agricultural products sa National Capital Region (NCR).
Target naman ng ahensya na mailagay ang mga Kadiwa Store sa unang tatlong buwan ngayong taon upang magkaroon ng access ang ating mga kababayan sa mas murang agricultural commodities.