Tutol pa rin ang isang grupo sa pagtatayo ng Kaliwa Dam sa bahagi ng Quezon hanggang Rizal.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Save Sierra Madre Network Alliance President Ara Mercado na direktang maaapektuhan kasi ng konstrusyon nito ang mga nasabing lugar.
Binigyang diin pa niya na nakikita naman ng karamihan kung gaano kaimportante ang role na ginagampanan ng bulubundukin ng sierra madre sa pagpapahina ng bagyo.
Batid natin na ito ay nakakapagpalinaw ng mga nangyari sa Bagyong Karding, kung saan nasa category 5 siya at dahil nga sa pagsalpok niya sa mga bulubundukin ng Sierra Madre at ito’y tinuturing natin na backbone ng Luzon, so kaya napakahalaga nga na ito ay protektahan”.
Dagdag pa ni Mercado na dahil din sa patuloy na destructive human activities ang nararanasang pagbaha sa low land areas.
Gaya nga ng nabanggit niyo na pag ququary, so nagkakaroon tayo ng fire erosion, at pagmaraming ulan ay maari talagang gumuho ang mga lupa doon at magdudulot ng disaster doon sa mga directly areas na affected ng mga ginagawang ganitong gawain,syempre napakalaking pinsala gaya nga sa nabanggit mo,pati ang pagkawala ng buhay”
Ang tinig ni President Ara Mercado ng Save Sierra Madre Network Alliance, sa panayam ng DWIZ