Pinag-aaralan na ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang planong pagtatayo ng kampo militar sa Marawi City.
Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang konstruksyon ng kampo militar sa nasabing lalawigan.
Sa inilabas na Memorandum Order No. 41, binuo ang Technical Working Group (TWG) na mag-aaral sa lugar at mga residenteng maaapektuhan ng itatayong kampo.
Kaugnay nito, inatasan ang TWG na magsumite ng periodic report para sa development ng proyekto sa tanggapan ng pangulo.
Ang binuong TWG ay kinabibilangan ng Department of National Defense (DND), Office of the Executive Secretary, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Land Registration Authority (LRA), Department of Human Settlements and Urban Development, at Department of Interior and Local Government (DILG).