Nag – courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Korean ambassador to the Philippines kagabi.
Naganap ito ilang araw bago ang pagbisita ng Pangulo sa South Korea sa November 24 hanggang 26 para dumalo sa ASEAN Republic of Korea Commemorative Summit.
Bitbit ni Ambassador Han Dong – Man ang kanyang letter of credence para kay Pangulong Duterte kung saan inilahad ang planong pagpapalakas ng investment relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.
Kabilang dito ay ang pagkakaroon ng Korean town sa Malate, Maynila sa pakikipag-ugnayan na rin ng Manila City Government.
Una nang sinabi ng Malakanyang ang posibilidad na magkaroon ng bilateral meeting si Pangulong Duterte at South Korean President Moon Jae – In.