Itinigil ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapatayo nito ng panibagong library sa Padre Faura Street matapos marekober ang apat na skeletal remains mula sa site noong Huwebes.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sinang-ayunan nila ang rekomendasyon ng mga eksperto sa pangunguna ni Dr. Raquel Fortun, iang forensic pathologist na itigil muna ang pagpapatayo habang nakabinbin ang imbestigasyon sa mga labi.
Inimbitahan naman ni Remulla si Fortun na suriin ang mga nakuhang labi kasama ang social anthropologist na si Maria Teresa De Guzman at archeologist Michael upang mabigyang linaw ang presensya ng mga labi sa compound.
Dagdag pa ni Remulla, wala siyang nakikitang indikasyon na ginamit bilang mass grave ang naturang site.
Ayon naman kay De Guzman na dapat mayroong permit mula sa National Commission for Culture and the Arts bago ginawa ang paghuhukay dahil may posibilidad na ang mga labi ay mula pa noong World War 2 o sa panahon ng kastila.
Sinabi ng tagapagsalita ng DOJ na si Mico Clavano na ang mga labi ay itinurn-over sa National Bureau of Investigation para sa anumang forensics.
Sa ngayon ay hindi pa napagdedesisyunan ng DOJ kung gaano katagal ang suspensyon ng konstruksyon ng library. –-mula sa panulat ni Hannah Oledan