Nanawagan si ‘Ang Probinsyano’ Representative Ronnie Ong sa pamunuan ng Department of Education (DepEd) na magtayo na mas maraming e-learning center sa bansa.
Ani Ong, hindi pa rin masasabing ‘fully equipped’ o handang-handa ang ahensya para isagawa ang blended learning at maghatid ng maayos na edukasyon sa lahat ng mag-aaral sa bansa.
Kung kaya’t, pinahintulutan ni Ong ang DepEd na gayahin ang inilunsad nitong proyekto na E-Skwela Hubs na maaaring i-tap ang mga pribadong sektor at local government units (LGUs) para makapagtayo ng mga e-learning na magagamit sa pag-aaral ng mga kabataan lalo na sa mga liblib na lugar.
Binigyang diin din ni Ong, na kung talagang target ng DepEd na maghatid ito ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral ngayong may banta ng pandemya, ay makabubuting magtayo ito ng e-learning center sa bawat barangay sa buong bansa.