Itinanggi ng lokal na pamahalaan ng Pinagmungahan, Cebu ang ulat na nagtayo sila ng mass grave para sa mga namatay sa COVID-19.
Ayon sa Public Information Office ng pinamungahan, sinunod nila ang kautusan ng DILG na tanging ang ground burial ang pinapayagan paglilibing ng namatay sa naturang sakit.
Tanging ang bago nilang municipal cemetery ang lugar para sa mga COVID-related deaths at lahat ng bangkay sa naturang himlayan ay may kanya-kanyang puntod.
Umapela naman ang LGU na naturang bayan na sa publiko na huwag basta maniwala sa mga hindi beripikadong impormasyong kumakalat sa social media.—sa panulat ni Drew Nacino