Itinuturing ni Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago na isang malaking pagkakamali ang pagtatayo ng napakalaking drug rehabilitation sa Nueva Ecija.
Ayon kay Santiago, masyadong naging excited ang Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang proyekto.
Aniya, makatutulong ito kung ang ginastos sa mega rehab ay iginugol na lamang sa pagpapatayo ng mas maliliit na rehabilitation centers na mga komunidad.
Dahil aniya sa layo ng lugar lalong mahihirapang gumaling ang mga pasyente dahil wala itong maasahang suporta ng pamilya na nasa malayong lugar.
Mayroon lamang 300 pasyente ang nasa mega rehab sa kabila ng 10,000 hospital bed capacity nito.
—-