Tuloy na tuloy na ang plano ng gobyerno sa pagtatayo ng mega vaccination facility sa Nayong Pilipino
Ito’y kahit humarap sa kaliwa’t kanang kontrobersiya .
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nakahanda na ang memorandum of agreement at inaayos na lamang ang ilang detalye bago ito mapirmahan.
Bukod dito, aprubado na ng Department Of Tourism, Department Of Health at masusing pinag-aaralan ng government corporate counsel ang naturang MOA.
Magugunitang, nagbitiw sa pwesto si Nayong Pilipino Foundation o NPF Executive Director Lucille Isberto dahil sa hindi pagkakaunawaan kay International Container Terminal Services, Inc. o OCTSI Chairman Enrique Razon.
Dahil sa pagkuwestiyon ni Isberto sa environmental impact ng proyekto at legalidad nito nuong malaman niya na pribado ang magpapatakbo ng pasilidad.— sa panulat ni Rashid Locsin