Dapat nang matigil ang pagtatayo ng istraktura sa Boracay.
Ito ang isa sa solusyon na naiisip ni Tourism Asst. Sec. Frederick Alegre matapos ang naranasang pagbaha bunsod ng ulang dala ng bagyong Urduja.
Ayon kay Alegre, dapat ay tutukan at mahigpit na ipatupad ng lokal na pamahalaan ang umiiral na polisiya ukol sa pagpapatayo ng mga istraktura lalo na at isa itong nangununang tourist destination sa Pilipinas.
Kasabay nito, tiniyak ni Alegre na nakatutok si Tourism Sec. Wanda Teo sa mga parusang dapat kaharapin ng mga lumalabag sa pagnenegosyo sa naturang isla partikular na ang paggamit umano ng dinadayong pulbos na puting buhangin sa kanilang pagnenegosyo.