Tina-trabaho na ng Department of Education (DepEd) ang paglalagay ng quarantine areas sa mga paaralan para matiyak ang kaligtasan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng mga estudyante at mga kawani nito.
Ito’y bilang paghahanda sa oras na maaari nang bumalik ang mga ito sa paaralan.
Ayon kay Abram Abanil, DepEd Director for Infromation and Communications Technology Service, magpapatupad ang ahensya ng mga safety measures para masiguro ang kaligtasan ng mga guro at estudyante sakaling may makitaan ng sintomas.
Tiniyak din ni Abanil, na regular ang pagsasagawa ng disinfection sa mga paaralan.
Kasabay nito sinabi ni Abanil na asahan nang mababawasan ang bilang ng mga estudyante sa isang klase upang ma-obserba ang physical distancing.