Isinusulong ni Ilocos Norte First District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang pagtatayo ng mga specialty hospitals sa Northern Luzon.
Sinabi ni Marcos na sa ganitong paraan ay hindi na kailangang bumiyahe pa-Maynila ang mga pasyenteng nangangailangan ng special medical services.
Dahil dito, ipinaliwanag ng anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mahalagang magkaroon ng mga specialty hospitals sa rehiyon na katulad ng Philippine Health Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Orthopedic Center, at Philippine Cancer Center.