Isinulong ng mga mambabatas ng China ang pagtatayo ng national marine park sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.
Ayon kay Deputy Communist Party Secretary Deng Xiaogang, mas mapapangalagaan ang likas na yamang taglay ng South China Sea kung mayroong national marine park.
Sinabi naman ni Professor Wang Changren ng Tropical Ocean University Party, dapat magkasundo ang lahat ng may inaangking teritoryo sa South China Sea para pangalagaan ang marine ecology ng rehiyon.
Matatandaan na bumuo na ng artificial islands ang China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ilang eksperto na rin ang nagsabi na nakakasira sa lamang dagat ang ipinatayong artificial islands ng China sa rehiyon.
—-