Inihayag ng Department of Energy (DOE) na hindi maaaring magtayo ng nuclear power plant ang gobyerno dahil sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
Ayon kay DOE Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., sa ilalim ng EPIRA ay pinapayagan lamang na pumasok sa power generation ay ang pribadong sektor.
Matatandaang na kamakailan ay inilalas ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang posibilidad na pagbuhay sa bataan nuclear power plant, na itinayo sa panahon ng namayapa niyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Samantala, natigil ang naturang planta matapos tutulan ng maraming grupo dahil sa mga safety concern.