Nakumpleto na ng Team Energy Foundation Inc. (TEFI) ang pagpapatayo ng mga pasilidad sa isang paaralan sa Pangasinan at ang 320 square meter-multi purpose hall sa Quezon, bilang bahagi ng pagpapaigting ng sektor ng edukasyon sa bansa.
Ang bagong itinayong gusali sa Siaosio Integrated School sa Sual, Pangasinan ay mayroong dalawang silid-aralan na may armchairs, blackboards, teacher’s desk, electric fans at mga ilaw.
Mayroon din itong sariling restroom para sa mga estudyante at mga guro.
Habang ang multi-purpose facility na ibinigay ng TEFI sa Lipata Elementary School sa barangay Lipata, Padre Burgos, Quezon ay kumpleto sa mga pasilidad tulad ng stage, floodlights at 100 upuan na magagamit para sa iba’t ibang programa at aktibidad ng paaralan at barangay.
Ayon kay Nestor Bangam program manager ng TEFI, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang organisasyon para mas mapabuti pa ang naturang sector.
Umaasa sila na ang mga bagong pasilidad sa Pangasinan at Quezon ay naglalayong mapaunlad ang kalidad ng edukasyon para sa mga estudtyante at guro.
Sa mga nakalipas na taon, ang TEFI’s project Sikap o silid-aralan tungo sa katuparan ng mga pangarap ay matagumpay na nakapagpatayo ng mga magagandang silid-aralan at mga gusali upang suportahan ang pagpapabuti ng sektor ng edukasyon sa bansa.