Pinapayagan na ng Eternal Garden sa Lipa, Batangas Branch ang maglagay ng sari-sariling tent ang mga dadalaw sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay simula October 30 hanggang 31.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Tess Marzan, Branch Manager ng Eternal Gardens, hindi binaha ang sementeryo dahil nasa mataas aniya itong lugar.
Dadag pa ni Marzan, sana maging maganda ang panahon sa Undas dahil dalawang taong hindi nakabisita ang mga tao sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Pinapayagan din na magdala ng pagkain ngunit kailangan pa rin na sumunod sa minimum health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus. —sa panulat ni Jenn Patrolla