Nagsimula na ang konstruksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng kauna-unahang Integrated Terminal and Science Center Building sa Pilipinas.
Target ng DPWH na mabuo ang Taguig City Science Terminal and Exhibit Center na matatagpuan sa compound ng Department of Science and Technology (DOST) sa Bicutan, Taguig sa kalagitnaan ng 2023.
Batay sa orihinal na plano, sinabi ng DPWH na ang proyektong pagtatayo ng integrated terminal ay para matugunan ang mabigat na daloy ng trapiko ng mga pasahero sa lugar.
Pero makalipas ang limang taon ng pagpupulong ay idinagdag sa plano ang pagkakaroon ng exhibit center.
Samantala, Magkakaroon ng limang palapag ang nasabing building, kung saan ang tatlong palapag ay magsisilbing public transportation hub habang ang dalawa ay magiging opisina ng Science Technology Exhibit Center.