Inaasahang aabutin na lamang ng sampung minuto ang biyahe ng mga kargamento mula sa pantalan ng Maynila patungong Hilagang Luzon.
Ito’y sa sandaling maitayo na ang dalawa’t kalahating kilometrong elevated expressway na magdurugtong sa C-3 Road sa Caloocan, R-10 Road sa Navotas at North Luzon Expressway o NLEX.
Ayon sa Manila North Tollways Corporation, nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagtatayo ng naturang proyekto na sisimulan bago matapos ang taong kasalukuyan.
Sinabi naman ni MNTC President Rodrigo Franco, malaki ang maitutulong ng nasabing expressway sa pagpapagaan sa daloy ng trapiko lalo na sa mga dumaraan sa EDSA at ilan pang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
—-