Sisimulan na ang konstruksyon ng kauna – unahang subway sa Metro Manila sa third quarter ng susunod na taon.
Ayon kay Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, isinasapinal na ng Department of Transportation (DOTr) ang feasibility study ng proyekto gayundin ang magiging disenyo nito.
Dagdag ni Diokno, gagawin ang proyekto sa pamamagitan ng design – and – build, kung saan isang contractor lamang ang gagawa ng desinyo at bubuo ng nasabing subway dahil hindi tiyak na hindi ito matatapos sa buong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing mahigit dalawampu’t limang (25) kilometrong subway project ay magkakaroon ng labing tatlong (13) istasyon mula Mindanao Avenue sa Quezon City hanggng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Inaasahang magsisimula ang partial operation nito sa fourth quarter ng 2025 habang sa 2027 naman ang full operation.