Pumalag ang Makabayan Bloc sa Kamara sa pinasok na kasunduan ng gobyerno sa DITO Telecommunity Corporation para sa pagtatayo ng telco tower, system at facilities sa loob ng military bases.
Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, binibigyan nito ng kontrol ang China sa pambansang seguridad ng bansa na posible aniyang maging banta sa mga Pilipino.
Dagdag pa nito, mistula aniyang pinahihintulutan ng AFP ang China na makapasok sa server links at masilip ang mga communication system at mga sensitibong impormasyon.
Dagdag ni Elago, dahil dito ay posible ring maging madali na habulin ang lahat ng kritiko ng aministrasyon.
Magugunitang ang DITO Telecommunity ay ang dating Mislatel Consortium na binubuo ng China Telecom at Udenna Corporation na pag-aari ng negostanteng si Dennis Uy.