Kinontra ni Senate President Koko Pimentel ang taguring “diktador” sa Pangulong Rodrigo Duterte matapos tapusin ang peace talks ng gobyerno at CPP – NPA – NDF.
Sinabi sa DWIZ ni Pimentel na hindi naman maituturing na diktador kung may basehan ang mga desisyon ng Pangulo.
Patunay aniya na ginagamit lamang nito ang kaniyang kapangyarihan batay sa nakasaad sa batas.
‘Yung desisyon eh… nasa ilalim ng kanyang hurisdiksyon, hindi po diktador ‘yun. He is just exercising his power.
Ngayon, meron naman tayong konsepto sa batas natin na grave abuse of discretion. Dalawa nga ‘yan, unang – una dyan, unang konsepto, sasabihin riyang ultra vires, wala sa kanyang kapangyarihan. Number two, kung nasa kapangyarihan niya pero grave abuse of discretion, depende po, i-challenge po nila sa Korte ‘yan.
Pero mahirap yata na kapag sinabi mong mga diktador eh pamumulitika na po na argumento ‘yun at hindi na po sa legal na argumento kaya ayaw ko na pong makialam riyan dahil propaganda na po ‘yan.