Hindi pamantayan sa pagpapatupad ng batas sa Caloocan City ang pumatay ng mga teenager.
Depensa ito ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan matapos umanong tagurian ang lungsod bilang killing fields dahil sa magkasunod na pagkakapaslang sa mga binatang sina Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.
Sinabi ni Malapitan na hindi pagpatay sa mga kabataan ang uri ng peace and order na ipinamulat niya sa lungsod simula nang manungkulan dito bilang alkalde.
Ipinagmalaki ni Malapitan ang dalawang beses na pagbibigay sa Caloocan City ng award bilang Most Peaceful City bukod pa sa natanggap na Best Station of the Year award sa pulisya nito mula naman sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong taon.
Gayunman, sa kabila ng mga ito, tiniyak ni Malapitan na nananatiling mataas ang morale nila.
By Judith Estrada – Larino
SMW: RPE