Nakiusap ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na huwag nang palakihin ang pagtawag na “buwang” ni Pangulong Rodrigo Duterte kay North Korean President Kim Jong – Un.
Ayon kay Ernesto Abella, tagapasalita ng Pangulong Duterte, nais lamang ng Pangulo na ipakita ang katotohanang ang North Korea ang magpapabago sa global geo politics, dahil sa banta nitong paggamit ng makabagong armas.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang ilang grupo sa posibleng maging reaksyon ng Pangulo ng North Korea, sa pahayag ng Pangulong Duterte.
By: Katrina Valle / Aileen Taliping