Inalmahan ng Malakanyang ang pagtawag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na “Cry Babies” “Reklamador” ang mga Filipino dahil sa issue ng pahirap na TRAIN Law.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailanma’y hindi tinawag ni pangulong Rodrigo Duterte na reklamador ang mga Pinoy.
Hindi aniya ikinukunsidera ng Pangulo na bansagang “Cry Babies” ang taumbayan na nagbigay sa kanya ng mandato upang pamunuan nang maayos ang bansa.
Iginiit ni Roque na lalong hindi maaaring talikuran ni Pangulong Duterte ang mga Pinoy na nagtiwala at sumuporta sa kanya noong nakalipas na 2016 Presidential Election.