Binatikos ni Bayan Muna Party-List Representative Carlos Isagani Zarate ang pagtawag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa New People’s Army o NPA bilang “terorista”.
Sinabi ni Zarate na hindi iniisip ni Lorenzana ang aniya’y cordial atmosphere sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista sa nasabing name calling nito.
Ayon pa kay Zarate, Vice Chair ng House Committee on Peace, Reconciliation and Unity, hindi makakatulong ang nasabing hakbang ni Lorenzana sa 4th round ng peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at CPP -NPA-NDF.
Tila aniya sinasayang ni Lorenzana ang mga positibong hakbang na ginawa ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
By Judith Larino