Sinagot ni Facebook Inc. Chief Executive Officer (CEO) Mark Zuckerberg ang isang Twitter post ni US President Donald Trump.
Ito ay matapos na akusahan ng Pangulo ng Estados Unidos ang Facebook na ‘anti-Trump’ maging ang mga umano’y ‘fake news’ organizations.
Facebook was always anti-Trump.The Networks were always anti-Trump hence,Fake News, @nytimes(apologized) & @WaPo were anti-Trump. Collusion?
— Donald J. Trump (@realDonaldTrump) September 27, 2017
..But the people were Pro-Trump! Virtually no President has accomplished what we have accomplished in the first 9 months-and economy roaring
— Donald J. Trump (@realDonaldTrump) September 27, 2017
Sa salaysay ni Zuckerberg na inihayag niya gamit ang kanyang Facebook account, sinabi nito na ang giant social network na Facebook ay may layuning pagkaisahin ang mga tao para makabuo ng isang komunidad para sa lahat.
Dagdag pa ni Zuckerberg, nais ng Facebook na mabigyan ang mga tao ng boses at isang ‘platform’ para sa lahat ng ideya.
Gayunman, inimbitahan ang executives ng Facebook, Twitter Inc. at Google na dumalo sa isang pagdinig ng Senate Intelligence Committee sa Nobyembre 1, kaugnay sa alegasyon na ginamit umano ng Russian government ang social media para impluwensyahan ang eleksyon sa Amerika.
Kinumpirma naman ng Facebook at Google na nakuha na nila ang naturang imbitasyon ngunit wala itong kumpirmasyon kung sila ay dadalo sa naturang pagdinig.