Walang ano mang maitutulong sa ikabubuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ang pagtawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos bilang estupido.
Ayon kay Senator Risa Hontiveros, wala ring ma-i-aambag ang naturang banat ng pangulo sa policy-making at pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno at hindi makatutugon sa mga mahalagang issue sa bansa.
Inililihis lamang anya ni Pangulong Duterte ang usapin sa mga tunay na issue gaya ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at militarisasyon at panghihimasok ng China sa mga inaangking teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Iginiit ng senador na ang pinaka-huling batikos ng pangulo laban sa diyos ay wala ring maitutulong upang mapagkaisa ang sambayanang pilipino sa halip ay nagkakawatak-watak ang mga mamamayan.
(With report from Cely Ortega- Bueno)