Itinaas ng Asian Development Bank (ADB) ang pagtaya sa Economic Growth ng Pilipinas sa 7.4% mula sa 6.5%.
Kasunod ito nang hindi inaasahang magandang performance ng ekonomiya sa 3rd quarter ng taong ito.
Kabilang naman sa naging dahilan ng pag-angat ng Gross Domestic Product (GDP) ang mataas na domestic demand at maluwag na COVID-19 restrictions sa bansa sa kabila ng mataas na presyo ng mga bilihin dahil sa lokal at pandaigdigang krisis sa ekonomiya.