Posibleng makapagtala ng 7,000 daily new COVID-19 cases ang pamahalaan sa pagtatapos ng buwan ng Marso.
Itoy makaraang pumalo na sa 5,000 ang kaso ng virus infection kada araw sa buong bansa, na s’yang una nang naging projection ng OCTA research group.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA team, na ang bilang ng new cases ay mas mabilis na tumataas kung ikukumpara sa kanilang naunang naging pagtaya.
Dahil dito, inihayag ni David, na maari talaga aniyang pumalo sa pitong libo ang daily cases sa katapusan ng kasalukuyang buwan, at pwede pa aniya itong mas tumaas pa.
Pero ayaw na aniyang magbigay pa ng sobra taas na numero, dahil sinasabihan umano silang fear mongering o nagpapakalat ng takot sa publiko.