Humirit si Pangulong Rodrigo Duterte ng supplemental budget sa Kongreso para sa pagpapatayo ng malalaking evacuation center sa bansa.
Sa pagbisita ng pangulo sa Sto. Tomas Batangas kahapon, Enero 20, sinabi nito na kailangan ng masisilungan ng mga residenteng madalas na maapektuhan ng mga kalamidad.
Wala rin aniyang nakakaalam kung kailan eksaktong tatama ang matitinding kalamidad sa bansa kaya’t dapat itong mapaghandaan.
Dagdag ng pangulo, dapat mai-prayoridad ang pagpapatayo ng evacuation center sa mga lalawigang nakaharap sa pacific ocean kabilang ang Samar, Isabela, at Cagayan na madalas na dinadaanan ng bagyo.