Handang magpa-lie detector ang dalawang dating tauhan ni Senador Leila De Lima sa Department of Justice (DOJ) para patunayang hindi kasinungalingan ang mga ibinunyag nila tungkol kay De Lima.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nakaharap na niya si Jonathan “Jong” Caranto at ibinunyag nito na anim na beses siyang nagdeposito ng 24 na milyong piso sa bank account ni Ronnie Dayan, ang driver at di umano’y lover ni De Lima.
Kinumpirma rin anya ni Caranto na kasama niya sa gawaing ito si Edna “Bogs” Obuyes na malayong kamag-anak naman ni Dayan.
Bahagi ng pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre
Kasabay nito, dumistansya si Aguirre sa pagkakabunyag ng mga di umano’y tiwaling transaksyon ni De Lima.
Pre-mature anya ang paglabas ng balita dahil kasalukuyan pa ang imbestigasyon kayat posibleng taktika lamang ito ng oposisyon.
Kinontra rin ni Aguirre ang pahayag ni De Lima na inimbento lamang nila ang mga paratang laban sa senadora.
Bahagi ng pahayag Justice Secretary Vitaliano Aguirre
Not testifying
Samantala, itinanggi naman ng isang kawani ng Department of Justice o DOJ ang kanyang pagtestigo laban sa dati niyang boss at ngayo’y senadora na si Leila De Lima.
Ito ang ibinunyag mismo ni De Lima makaraang makatanggap umano siya ng isang mensahe sa text mula kay Edna “Bogs” Obuyes.
Sinabi umano ni Obuyes kay De Lima na hindi siya tetestigo laban sa senadora dahil nasa panig siya ng katotohanan.
Dagdag pa ni De Lima, may pahayag na rin si Obuyes sa kanyang Facebook account na hindi siya magpapagamit kaninuman para magsiwalat ng kasinungalingan.
By Len Aguirre | Karambola | Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)