Inihirit ng isang grupo sa Korte Suprema na payagan ang pinay na si Mary Jane Veloso na tumestigo sa pamamagitan ng written deposition laban sa mga nag-recruit sa kanya.
Ayon sa Migrante International, ang magiging testimonya ni Veloso na kasalukuyang nasa death row sa Indonesia ay magpapalakas sa mga kasong human trafficking, illegal recruitment at estafa na isinampa laban kina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao na nakabinbin sa Nueva Ecija Regional Trial Court.
Nabatid na ang pinakahuling pagdinig para sa presentasyon ng mga testigo ng prosekusyon ay isasagawa sa Setyembre 26.
Magugunitang naaresto si Veloso sa Indonesia noong 2009 at pinatawan ng parusang bitay dahil sa nakitang heroin sa kanyang bagahe.