Muling umapela ng kapayapaan sa pamamagitan ng dayalogo ang Santo Papa Francisco sa gitna ng patuloy na nagaganap na madugong kaguluhan sa Myanmar sa pagitan ng mga raliyista at ng militar.
Ayon kay Pope Francis, labis niyang kinalulungkot ang karahasang nangyayari sa Myanmar kung saan maraming buhay na ang nalagas at karamihan sa mga ito ay mga bata.
Dagdag ng Santo Papa, kahit lumuhod siya sa mga daan sa Myanmar para matigil lamang ang karahasan at manaig ang dayalogo ay gagawin niya mahinto lamang ang kaguluhan sa naturang bansa.
Matatandaang isang madre na rin ang nakiusap at lumuhod sa mga otoridad upang itigil ang mga pagpatay sa mga nagpoprotesta.
Samantala, higit 180 na ang naitalang nasawi sa Myanmar dulot ng kaguluhang nagaganap ngayon doon.— sa panulat ni Agustina Nolasco
With great sorrow, I must recall the dramatic situation in #Myanmar, where many people, especially young people, are losing their lives to offer hope to their country. I too kneel in the streets of Myanmar and say: End the violence! May dialogue prevail!
— Pope Francis (@Pontifex) March 17, 2021