Tanging sa mga apektadong lugar lamang o binayo ng mga bagyo, partikular ng Bagyong Ulysses, ang titigil muna sa online learning.
Ayon ito kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio matapos matinding bayuhin ng Bagyong Ulysses ang Marikina, Rizal at Region 2 na kinabibilangan ng Cagayan.
Sinabi sa DWIZ ni San Pascual na dapat maging prayoridad ang buhay kaysa sa pag-aaral na maaari namang ibalik kapag umayos na ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng mga bagyo.
Ipinauubaya na rin aniya nila sa mga school superintendents ang paggawa ng mga hakbangin para makapagpatuloy ng pag aaral ang mga estudyante.
Ang mga natirang modules na hindi pa naibibigay bago bumagyo ay pwede pa ring ipamudmod sa mga bata. Ang pinakamahalaga sa lahat ay gagawa tayo ng paraan kung paano matututo ang mga bata pagkatapos nito,” ani San Antonio. —sa