Itinanggi ng mga siyentipiko mula sa UP o University of the Philippines na pansamantala nilang ititigil ang pagbuo sa Diwata II.
Ito ang nilinaw ng PHL-MICROSAT Project 1 sa ilalim ng Electrical and Electronics Engineering Institute makaraang lumabas ang balita na ititgil umano ang pagbuo sa Diwata II para magbigay daan sa pagtatatag ng Philippine Space Agency.
Ayon kay Ma.Cristina Flores, Project Development Officer ng PHL-MICROSAT na siyang nangangasiwa sa proyekto, wala silang natatanggap na abiso mula sa DOST o Department of Science and Technology hinggil sa nasabing plano.
Binigyang diin ni Flores na prayoridad ng DOST ang pagbuo sa Diwata II na pinondohan ng tatlong taon hanggang 2017 at nakatakdang ilarga sa kalawakan sa susunod na taon.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: University of the Philippines Diliman Website