Pinasalamatan ng grupo ng transportasyon ang pagpapatigil ng Korte Suprema sa pagpapatupad ng Metro Manila lgus sa no-contact apprehension policy (NCAP).
Sa panayam ng DWIZ, malaki ang naging pasasalamat ni Pasang Masda President Obet Martin sa naging pagdinig sa kanilang naging petisyon hinggil sa naturang usapin.
Ayon kay Martin, kahit may temporary restraining order ang Korte sa pagpapatupad ng NCAP, kailangan parin na magkaroon ng disiplina ang lahat ng mga motorista at dapat na sumunod sa batas trapiko.