Kinontra ni Senador Panfilo Lacson ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang mga checkpoint
Sa halip binigyang diin ni Lacson na dapat ay mga fixed checkpoints ang buwagin
Sinabi ni Lacson na binuwag niya ang lahat ng fixed checkpoints nuong siya pa ang pinuno ng pambansang pulisya at naging matagumpay sila sa kanilang anti kotong operations
Ayon kay Lacson nagpasalamat sa kanila ang mga lehitimong negosyante dahil sa laki ng tulong ng anti kotong operations
Mas epektibo aniya ang mobile checkpoints dahil hindi ito inaasahan ng mga kriminal tulad ng mga nagdadala ng droga, mga armas at iba pang ipinagbabawal.
By: Judith Larino