Hinkayat na rin ng Water Resources Management Office ng Department of Environment and Natural Resources (WRMO-DENR) ang lahat ng residente ng National Capital Region (NCR) at kalapit nitong lalawigan na makiisa sa pagtitipid ng tubig.
Gaya na lamang sa pagdidilig ng halaman at paghuhugas ng sasakyan.
Kasabay nito hinimok ng WRMO ang lahat ng Local Government Units (LGUs) sa NCR na agarang aprubahan ang pagsasaayos sa mga pipe ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad.
Pati na rin ng paghikayat sa mga residente na mag-ipon ng tubig-ulan at paggamit ng pinagbanlawang tubig sa pagdidilig ng halaman.
Matatandaang una nang naglabas ng panuntunan ang WRMO sa lahat ng opisina ng gobyerno na magtipid ng tubig ngayong panahon ng tagtuyot.