Umapela ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente .
Ito’y dahil sa pagiging limitado na supply ng kuryente na bunsod nang extended outage sa ilang power plant na tatagal hanggang Agosto.
Ayon sa NGCP, kailangan magtipid ng publiko upang maiwasan ang posibleng power interruption ngayong tag-init.
Bukod dito, inaasahan na tataas ang demand ng kuryente, partikular na sa Luzon, sa darating na Mayo.
Samantala, hinimok ng NGCP ang pamahalaan na silipin ang sitwasyon sa kuryente dahil limitado lamang ang kakayahan ng kumpanya lalo na pagdating sa power generation.—sa panulat ni Rashid Locsin